Naging mabuti ka sakin
Naging mabuti ka sakin
By: Nickole Kim B. De Jesus
Pangatlo ng Disyembre. Naaalala ko pa tayo ay magkasama.
Nilamig ako at pinahiram mo sakin ang hoodie mo. Ang ganda ng gabi, ang mga
bituin ay nagniningning at ang buwan ay nagbibigay ng ilaw sa kadiliman.
Hawak-hawak ang mga kamay, pauwi sa aking bahay. Pero ngayaon tayo ay mag
kahiwalay, wala na tayo, wala ng pagibig, pero okay lang ako.
Nakaapat na taon, di parin tayo nag uusap. Naglalakad lang
ako at bigla kita nakita, nakapila sa isang restaurant na puputahan ko din. Napansin
mo ako, pero di mo ako pinansin. “oy! si Eva ba yan?” May narinig akong boses na papalapit sakin.
“Ay! Hi josh!” Sabi ko. “Ay! Si Eva nga, musta na?” Tanong ni Josh. “Okay naman,
bibili lang ng ice cream at fries.” Sabi ko kay Josh. “Ah, nandito din si Liam o.”
Sabi ni Josh, nakaturo kay Liam. “Oo nga, nakita ko.” Sabi ko, sinusubukan na
hindi maging awkward. “Sabay na kaya tayo mag order, mahaba yung pila he.” Sabi
ni Josh. “Di, okay lang, kayo na muna.” Sabi ko. “Sige, kita nalng tayo sa
muli.” Sabi ni Josh. “Sige.” Sabi ko. Nung natapos mag order sila Josh at Liam,
Nag order na din ako. ‘Medyo awkward kami ha…’ naisip ko sa sarili ko.
Pagdating ko sa bahay, tiningnan ko ulit ang papel. “Seryoso
ba tong lalaki? Nakaraang dalawang araw parang ayaw pa niya ako tingnan.” Sabi
ko sa sarili ko. Idinagdag ko siya sa aking mga contacts.
[messages]
Eva: Liam? Joke ba toh?
Liam: Eva?
Eva: Liam toh right?
Liam: Oo, di ko inasahan na makipay-usap ka talaga sakin.
Eva: At di ko naman inaasahan na bibigay mo sakin ang inyong
numero.
Liam: May point ka.
Liam: So…
Liam: Kalian ka free?
Eva: Wala akong pasok sa biyernes
Eva: Teka…
Eva: Ilalabas mo ba ako?
Liam: Di naman ganon
Liam: “Catch up” nga sabi ng papel eh
Liam: Anyways, kita tayo sa Mcdo
Liam: Yung malapit sa trabaho mo, 1pm?
Eva: Cge see you
Liam: C U 2
[end of messages]
‘Wow, binigay nga niya talaga sakin yung number niya! Di ko
expect yun ha…’ saisip-isip ko. Nung nag Biyernes na, nag ready ako ng 11am.
Pumunta ako ng Mcdo ng 12:35pm dahil ayaw ko maging late. Mga 12:55pm, nakita
ko sa entrance si Liam. “Ooy! Liam!” Sabi ko. “ah, Eva.” Sabi niya. “Musta
naman?” Tanong ko kay Liam. “okay naman, ikaw?” Sagot ni Liam. “okay lang din,
sorry biglaan ha.” Sabi ni Liam. “Di, okay lang. La din naman ako gagawin eh.”
Sagot ko. “Kung ganon edi kita-kita tayo pag free tayong dalawa.” Sabi ni Liam.
“Sige.” “Sorry na late pala ako, kalimutan ko na 30 minutes early ka lagi.”
Sabi ni Liam. “Di, okay lang.”
Pagkatapos nun, nagging close ulit kami ni Liam katulad lang
nung high school. “Best guy friend” ko siya, at “best small friend” niya naman
ako. Akala ko di na kami magiging mag kaibigan pagkatapos ng relasyon namin,
pero pagkaraan ng apat taon na hindi naguusap at pansinan ay humantong saamin
na maging matalik na magkaibigan muli.
Makalipas ng limang pang taon na magkasama at matalik na kaibigan, hindi nagging kami, mayroon din syang nahanap na babae na magiging asawa niya. Tinanong din ako ni Liam kung okay lang na ako ang maging “best man” niya or best woman. Sa wedding niya kailangan ko mag speech at sumang ayon na rin ako.
(speech)
“Hello there, congrats ha! So uhm… I am very proud of you,
sa totoo lamg, di ko inasahan na magpapakasal ka, pero di ko din inasahan na
magiging single ka your whole life. Gayunpaman araw mo ito, so try ko na huwag
ka pagtawanan o mag kwento ng makakahiya sayo. Si Liam ay isang
kamangha-manghang kaibigan, at hindi na ako hihingi ng anuman bagay. Parang
kapatid ko na din siya from high school hanggang ngayon, at sa tingin at sa
nararamdaman ko, ako din ay isang matalik na kaibigan mo din, dahil ginawa mo
nga ako best man kahit woman ako eh. And like I said, I am so very proud of you
and congrats.”
Wakas.
Comments
Post a Comment